Jun
LP: Pag-iisang Dibdib
Posted by Leah as Litratong Pinoy, Meme, Pixies

Napapanahon ang tema ngayon ng LP sa buwan ng Hunyo dahil maraming magsing-irog ang kinakasal sa buwang ito.
Ang buhay mag-asawa ay di biro. Kailangan ng ubod ng pasensya, tiyaga at pag-unawa sa iyong asawa pati na rin ang pagkompromiso para ito’y maging matagumpay at magtagal. Siyempre pa, kelangan din ng walang kamatayang pagdarasal sa ating Maykapal para mabigyan tayo ng sapat na lakas para maging tutuo at tapat sa isa’t isa.
Maligayang Huwebes sa lahat!
Popularity: 25% [?]
May
LP: Ihip ng Hangin
Posted by Leah as Litratong Pinoy, Meme, Pixies
Malaking tulong na idinulot nitong electric fan sa amin, ngayo’y kami ay nagbabakasyon dito sa Pilipinas. Kung sino man nagimbento nito ay isang siyang tunay na henyo! Magmula ng lumapag ang eroplanong sinakyan namin nung Sabado ay naramdaman na namin kaagad ang matinding init. Nung nasundo na kami ng aking bayaw ay tumutulo na pawis namin at malagkit na malagkit na ang aming pakiramdam. Napaligo tuloy kami ng di oras.
Maligayang Huwebes sa lahat at nawa’y magtuloy-tuloy ang ihip ng hangin ng maging presko naman ang ating pakiramdam maghapon.
Popularity: 27% [?]
May
LP: Tubig
Posted by Leah as Aussie Life, Litratong Pinoy, Meme, Pixies

Kung mainit lang dito ngayon sa Australia, malamang ay tumalon na ako sa ’swimming pool’ para magpalamig. Pero iba ang clima ngayon dito. Palapit na ang ‘winter’ at ang kakapal na ng mga suot namin.
Ang tubig dito sa Australia ay mahigpit na tinitipid dahil sa tagtuyo. Kung maaari ay gumamit ng timba upang di masayang ito. Bawal magdilig ng kahit anong oras. May mga takdang oras lamang na nakalaan para dito. Ganun sila ka-istrikto sa paggamit ng tubig! Kung talagang paubos na ang ’supply’ nito, baka pati pagligo ay ipagbawal na rin. Diyos ko po! Wag naman sana.
Maligayang Huwebes sa lahat!
Popularity: 30% [?]
-
More of Us
-
Recent Comments
Categories
Archives
-
Ads
-
Blog Stats
-
Recent Posts
- [29.6.2008]
The Big Step - [27.6.2008]
Feast 195 - [26.6.2008]
Tagged! - [22.6.2008]
House Updates - [20.6.2008]
Back in the metro
- [29.6.2008]
-
Most Popular Posts
-
Message Board




